Talo pa rin pala ako

 

Mahal naaalala mo pa ba yong panahon na sinabi kong suko na ako?

Yong sinabi kong tama na… ayoko na magpakatanga.

Yong sinabi kong di ko na kayang dalhin lahat ng sakit na pinadarama mo.

At bawat pagtulak mo sa akin palayo.

 

Mahal naaalala mo naman siguro di ba?

Yong panahon na tiniis kong wag lumingon

Tuwing sinasambit na ng yong mga labi ng aking pangalan.

Tuwing kinakamusta mo ako at ang sagot ko okay lang.

 

Mahal akala ko rin ay okay lang ako.

Akala ko rin kinaya ko ng tanggapin ang pagkabigo ko sayo.

Mahal di ko na ata kaya magpanggap

Na kaya ko pang tiisin gumising sa umaga na wala ang yong yakap.

Mahal pinilit ko naman tiisin 

Mahal pinilit ko naman kayanin.

Mahal ano pa bang dapat kong gawin?

Mahal kulang pa ba?

Mahal ayoko na ng awa mo.

Mahal ang gusto ko naman sana mahalin mo rin ako ng buong-buo

Mahal tumingin ka naman sa akin o

Mahal naman

Mahal…

Mahal ko..

Mahal na mahal pa rin pala talaga kita.

Kahit akala ko hindi ko na kaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s