Paano ba huminto?

Bakit ang hirap tumahan

Bakit ang hirap pigilan nang pag-iyak?

Bakit sa twing naaalala ka

Umiiyak pa din ang dibdib

Naninikip. Nayayamot.

Nangungulila sa yakap mo na dati’y akin

Alam ko naman na dapat ko ng tigilan

Alam ko na mali na masaktan.

Sino ba pumili ng ganitong kapalaran?

Ako,

Ako naman ang tuluyang bumitaw

Ako naman ang nasaktan ng sobra-sobra.

Pero bakit ayaw tumigil ng puso ko na mahalin ka

Bakit ayaw tumahan ng puso sa pagsigaw ng ngalan mo

Oo, ayaw huminto ng puso ko.

Ayaw papigil sa pagdama ng pagmamahal sayo.

Oo! Alam kong mali.

Alam kong mali na mahalin pa kitang muli.

Dahil masaya ka na.

Masaya ka na.

Masaya na ipinaubaya mo ako sa iba.

Ang sabi mo pa nga sa akin bakit ako bumabalik sa taong nanakit sa akin

Bakit nga ba?

Bakit ba pabalik-balik ako sa’yo?

Nahihilo na ako, nasusuka.

Paikot-ikot na lang.

Hindi na ako bata para maglaro

Pero parang pinaglalaruan ko na lang sarili ko

Nakakasawa. Nakakapagod.

Pero bakit ayaw ko pa rin huminto.

ilan pa bang sampal, at tulak ang kailangan ko?

Kulang pa ba lahat ng sakit?

Kulang pa ba na wala ng tamis?

Kailan ko ba nanaising sumaya ng totoo

‘yong wala ng halong panloloko sa sarili ko?

Gusto ko din naman ngumiti.

Gaya ng ngiti ko dati

Nung nandito ka pa sa aking tabi.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s